Wednesday, October 21, 2015

Ang mga tinaguriang Nuisance Candidates ngayong darating na eleksyon

Ang mga tinaguriang "Nuisance Candidates" ngayong darating na eleksyon.


 Sa paglapit ng darating na eleksyon, hindi natin makakaila na maraming mga botante ang hindi na makapag hintay sa nararating na pagbabago na makakamit ng bayan. Maraming tanong ang lumalabas sa ating isipan. Isa na dito ang katanungang "Sino ba ang nararapat na mamuno dito sa ating bansa?". Maaaring sabihin ng iba na si Grace Poe o si Binay ang nararapat na umupo sa puwesto ng pagka pangulo subalit lingid sa ating kaalaman na may mga normal na taong nais ding makiisa sa paglaban ng pagkapangulo. Sila ang mga tinaguriang mga "Nuisance Candidates" 


Ang mga nuisance candidates ay ang mag tumatakbo "in order to make a mockery of the elections or place it in disrespute or those who do not have a bona fide intention to run." Ayon kay Comelec Chairman Andy Bautista.

Ang mga apat na halimbawa ng mga nuisance candidates na ating natuklasang mag bigay ng COC (Certificate of Candidacy) ay sina:

1.Atty. Elly Pamatong- ay isang practicing lawyer na sinasabing nakakuha ng 92% na puntos sa American bar exam at nakapagtapos sa the University of the Philippines at sa Silliman University. Sinasabi din na sa UP, walang nakakatalo sa kanya pag dating sa pakikipagtalo. Dalawang beses na siyang nag bigay ng COC para sa pagtakbo ng pagiging presidente subalit patuloy siyang natutuklasan bilang nuisance candidate.



2.Sel Hope Kang- Isa siya sa pinaka ikinagulat na tumatakbo sapagkat sinasabi niyang siya'y tatakbo bilang isang pangulo dahil sa sapat na dahilan ng pagiging Cum Laude sa UP(University of the Philippines).



3.Arsenio Dimaya-67 taong  gulang na ninais na maging pangulo.






4.Freddie Esher Llamas-Isang tricycle driver na ninais maging pangulo.









Konting Payo sa inyong mga mambabasa...

Sa pagkakaroon ng mga nasasabing nuisance candidates, masasabi nating tunay ngang ang bansa natin ay pinamamahalaan ng demokrasya. Dahil dito nagkaroon din tayo ng kalayann sa pag laban ng ating pinaniniwalaan. Subalit tulad ng ibang nuisance candidates, karamihan sa atin ay hindi iniisip ng masinsinan ang ating ginagawa. Karamihan dito sa mga nuisance candidates ay tila ginagawang biro ang pag laban ng eleksyon. Kaya naman dapat nating isipin ang ating aksyon sapagkat kung hindi mo ito inisip ng mabuti, maaari ka ring tawaging nuisance ng bayan.